Kinilala sina yumaong DILG Sec. Jesse Robredo at Batangas Gov. Vilma Santos bilang mga natatanging public servants ng bansa.
Binigyan ni Pangulong Benigno Aquino III ng posthumous Presidential Lingkod Bayan Award para sa kanyang kahanga-hangang paglilingkod sa bayan noong siya ay nanunungkulan pa. Tinanggap ng panganay ni anak ni Robredo na si Aika ang nasabing parangal.
Ginawaran din si Batangas Gov. Vilma Santos ng Presidential Lingkod Bayan Award para sa pagresolba niya sa problema ng overcrowding sa Taal Lake upang mapabuti ang kalidad ng tubig doon at maiwasan ang mga fish kill, pagtatayo ng kauna-unahang provincial-based OFW Center at pagmomodernisa sa mga district hospitals. Kasama ni Gov. Santos ang kanyang asawang si Senador Ralph Recto at mga anak niyang sina Luis Manzano at Ryan Christian..