WEATHER AGENCIES SA BUONG MUNSO, NAGKAISA SA PAGMOMONITOR NI SUPER BAGYO YOLANDA

Nagkakaisa ang mga weather agencies sa iba’t ibang dako ng mundo sa kanilang assessment at pagpapalabas ng babala dala ng malakas na hangin at ulan sa papasok na bagyong si Yolanda.

Maging sa forecast track o tutumbukin na mga lugar ng supertyphoon ay hindi rin nagkakaiba ang pagtaya ng mga eksperto maging sa ibang bansa.

Napag-alaman na pareho pareho ang assessment ng Hong Kong weather observatory, United States Joint Typhoon Warning Center, Japan Meteorological Agency, Beijing Meteorological Center, Taiwan Weather Bureau at Korea Meteorological Agency na unang magla-landfall ang sentro ng bagyo sa bahagi ng Eastern Samar.

Tinawag naman ni Dr. Jeff Master ng wunderground.com ang typhoon Haiyan na napakadelikado.

Dahil sa nag-iipon pa ito ng lakas sa karagatan, ang bagyo ang magiging ika-limang bagyo ngayong taon na maitatala sa buong mundo na nasa Category 5 ang lakas.

Nababahala naman si Dr. Masters sa Central Visayas na sunod sunod na sinalanta ng kalamidad at ngayon ay posibleng maapektuhan na naman ng mapaminsalang supertyphoon.

 

– See more at: http://www.bomboradyo.com/news/top-stories/item/30563-int-l-experts-todo-babala-rin-sa-phl-vs-supertyphoon#sthash.65WLdIJP.dpuf

November 7, 2013 @ 10:37 AM