VISA-FREE ACCESS PARA SA MGA PINOY, PINABULAANAN NG JAPAN

Itinanggi ng embahada ng Japan sa Pilipinas ang mga naglabasang ulat na tinatanggal na nito ang visa requirement para sa mga Pinoy na bibisita doon.

Sa ipinalabas na anunsyo sa website ng embahada ng Japan sa Pilipinas, sinabing patuloy na umiiral ang kanilang visa requirement para sa mga bibisita mula Pilipinas, Indonesia at Vietnam.

Narito ang kabuuan ng anunsyo:

Recently, false news have been circulating regarding the Japanese Visa for nationals of the Philippines, Indonesia and Viet Nam. The news mentioned that Japan has lifted its Visa for the Philippines, Indonesian and Vietnamese.

The Embassy/ Consular office/ of Japan in the Philippines would like to clarify to the public that Japan has not lifted the visa requirements for nationals of the Philippines, Indonesia and Viet Nam contrary to the recent reports. However, Japan has opened multiple-entry Visas to nationals of the Philippines, Indonesia and Viet Nam. (Japan will continue to accept and deliver Visa applications for Japan through accredited agencies.)

For details about the Visa application and issuance of multiple-entry Visa please refer to the information at: (http://www.ph.emb-japan.go.jp)

Ang paglilinaw ng embahada ay kasunod ng lokal na ulat kung saan inalis na umano ang mga visa requirement sa mga Pinoy na nais magtungo sa Japan.

Matatandaang una nang napaulat sa DZMM, mula sa ulat sa Kyodo News na pinaplantsa na ng Japanese government at ruling coalition ang visa waiver para sa mga turistang mula sa Pilipinas, Indonesia at Vietnam.

Sa hiwalay na panayam ng DZMM, posible ito pero patuloy ang pag-uusap ang sabi ni Philippine Ambassador to Japan Manuel “Manolo” Lopez.

Sinasabing sa darating na Hunyo pa inaasahang ilalabas ang bagong action plan kung saan nakapaloob ang visa-free access.

 

NEWS ARTICLE FROM : http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National

April 28, 2014 @ 08:31 AM