VIDEO NG USAPAN NINA DILG SEC. MAR ROXAS AT TACLOBAN CITY MAYOR ALFRED ROMUALDEZ, NAKA-UPLOAD SA YOU TUBE; ROXAS SA VIDEO – ‘DINOKTOR’

Kumakalat ngayon sa YouTube ang video footage ng pakikipagpulong ni DILG Secretary Manuel Roxas kay Tacloban City Mayor Alfred Romualdez kaugnay ng relief operations sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Sa kumakalat na video ay sinabi ni Roxas kay Romualdez na dapat umanong ingatan ang mga pagkilos dahil isa itong Romualdez at ang Pangulo ay Aquino na kalaban ng kanilang angkan.

“You have to understand. You are a Romualdez and the President is an Aquino. So we just want to legalize . . .  If it’s not legalized, well OK. You are in charge. We can’t help you. Bahala na kayo sa buhay niyo,” sabi ni Roxas sa video.

Magugunita na una nang ibinulgar ni Romualdez na hindi umano kaagad sumaklolo ang pamahalaan sa mga biktima ng bagyo sa kanilang lungsod sa kabila ng pagmamakaawa niya ng tulong.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi naman ni Roxas na malisyoso at dinoktor ang nasabing video na ipinakakalat sa social networking site upang aniya’y pagtakpan ang pagkakamali at pananagutan ni Romualdez.

Sinabi ni Roxas na maraming mga detalye ang hindi isiniwalat ni Romualdez sa pagdinig ng Senado kamakailan kabilang na ang hindi nito pagsunod sa panawagan ng pamahalaan na lumikas dahil papara­ting na ang super typhoon Yolanda.

 

NEWS ARTICLE FROM: http://www.philstar.com/bansa

December 12, 2013 @ 09:58 AM