UTANG NG BAWAT PILIPINO AABOT SA P61K – REP. TERRY RIDON

8727f12649fd2a6867810cc038cfd2af

May utang umano na hindi bababa sa P61,000 ang bawat Pinoy, ayon sa isang mambabatas.

Ayon kay Kabataan party-list Rep. Terry Ridon, batay sa ulat ng Bureau of Treasury, nasa P6.2 trilyon ang utang ng national government sa pagtatapos ng taon.

Kabilang dito ang mahigit P4 trilyong domestic na utang at halos P2 trilyong utang-panlabas.

Banggit ng mambabatas, nangangahulugan ito na kahit ang sanggol na isisilang pa lamang ngayong taon ay may libo-libong utang nang sasalubungin.

Resulta aniya ito ng pagsandal ng gobyerno sa pangungutang sa layuning mapondohan ang mga ambisyoso umanong proyekto.

Sa 2016 naman, plano ng gobyerno na umutang pa ng higit P1 trilyon kung saan mahigit P300 bilyong piso ang gagamitin bilang pambayad-utang.

 

 

SOURCe:

http://www.philstar.com/bansa/2015/08/09/1485914/utang-ng-bawat-pinoy-p61k

 

 

 

 

8727f12649fd2a6867810cc038cfd2af

August 9, 2015 @ 10:02 AM