US-PH ACCESS AGREEMENT, HINDI NA KAILANGAN NG RATIPIKASYON NG SENADO – MALACA√ĎANG

Naniniwala ang Palasyo na hindi kailangan ang ratipikasyon ng Senado sa binubuong US-PH Access Agreement.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ang kasunduang US-PH Access Agreement ay sang-ayon sa Mutual Defense Treaty at Visting Forces Agreement (VFA) kaya hindi kailangan ang ratification nito ng Senado.

Wika pa ni Sec. Lacierda, pagpapatupad lamang ito ng ilang mga probisyong inaprubahan ng Senado.

Aniya, hindi pa naman ito pinal kaya mas makakabuting hintayin na lamang ang mapagkakasunduan ng dalawang bansa.

 

NEWS ARTICLE FROM : http://www.philstar.com/

March 18, 2014 @ 09:47 AM