Tulyang nang inalis na ang lahat ng alarma sa Marikina River ngayong Biyernes ng tanghali matapos bumaba ang water level nito.
Ayon sa Twitter account ng public information office ng Marikina, nasa 14.8 meters above sea level na lamang ang water level ng ilog simula kaninang 11:55 ng umaga. Dahil dito, inalis na ang unang alarma, na itinataas kapag umabot sa 15-meter mark ang taas ng tubig sa Marikina River. Idinedeklara naman ang ikalawa at ikatlong alarma kapag umabot sa 16 at 17-meter ang lebel ng tubig sa ilog.
Pinayagan na rin ng pamahalaan ng Marikina ang pagbalik ng mga residente sa kanilang mga tahanan, kasunod ng paghupa ng tubig baha dahil na rin sa magandang panahon simula pa kahapon.