US UMAPELA SA PAGKAPANALO NI MEGAN YOUNG SA MISS WORLD; HIRIT NG USA, YOUNG, DAPAT DING KILALANING AMERICAN CITIZEN

Usap-usapang nagprotesta umano ang Amerika sa panalo ni Miss World 2013 Megan Young na pambato ng Pilipinas.

Ayon sa report, iginiit ng US pageant officials na dapat kilalanin din si Young bilang Miss USS dahil sa Amerika naman ito isinilang at ang ama ay isang US citizen.

Hiniling daw ng US sa Miss World organizers na ideklara ang Fil-Am beauty queen na dual contestant dahil sa pagiging American at Filipino citizen nito.

Bagama’t wala pang komento ang Miss World organization kaugnay sa isyu.

Napag-alaman na sa Virginia isinilang si Young subalit nang 10 taong gulang ito, lumipat sila sa Pilipinas.

Katunayan, nang kinoronahan bilang Miss World, binigyang diin ng mga media sa Amerika ang pagiging US citizen ni Young at binati pa ito ni US Ambassador to the Philippines Harry Thomas Jr.

Si Young ang kauna-unahang Filipina na nakapag-uwi ng Miss World crown sa bansa samantalang ang pambato naman ng Amerika sa katatapos na pageant na si Olivia Jordan ay nakapasok sa Top 10.

 

– CHECK OUT: http://www.bomboradyo.com/news/entertainment/item/24888-us-nagprotesta-sa-panalo-ni-megan-young-sa-miss-world#sthash.t2y3AqJR.dpuf

October 1, 2013 @ 09:47 AM