TULAK NG DROGA, HULI SA BUY BUST OPERATION

Nakapiit na sa ngayon sa Roxas City Police Station ang isang lalaki na nakuhanan ng pinaniniwalaang shabu sa isinagawang buy bust operation ng Capiz Police Provincial Office(CPPO) sa Datiles Street Barangay Tanque Roxas, City.

Nakuha ng mga otoridad ang dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu at 500 na marked money mula kay Jevin Carillo.

Maliban rito, narecover rin ng mga otoridad ang mga drug paraphernalia kagaya ng toter, lighter, empty plastic sachet at aluminum foil.

Napag-alaman na nagwala pa si Carillo at tinabig ang mga nakalatag na recoveries sa mesa na naging dahilan ng pagkawala ng marked money na dalawang P100 bill.

Samantalang, inihayag naman ni Barangay Kapitan Arthur Arcangelles na wala itong ideya na nagbebenta pala ng droga ang suspek.

 

 

Source: http://www.bomboradyo.com/news/more-news/item/64083-tulak-ng-droga-huli-sa-buy-bust-operation

June 23, 2014 @ 05:44 AM