TROUGH NG LPA SA SILANGANG MINDANAO AT BUNTOT NG COLD FRONT SA HILAGANG LUZON, MAGPAPAULAN NGAYONG ARAW

Patuloy na umiiral ang trough ng low pressure area (LPA) sa bahagi ng Mindanao habang tail-end of a cold front naman sa ilang parte ng Luzon.

Sa 5:00 AM weather bulletin ng PAGASA, makakaasa ngayong Miyerkules ng hanggang katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang Batanes, Calayan, Aurora, Quezon, Bicol Region at Caraga.

Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magiging bahagya hanggang maulap na may pulo-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.

Inaasahan namang muling lalakas ang Amihan o northeast monsoon ngayong Huwebes at magpapatuloy sa weekend.

Wala pa ring sama ng panahon sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

 

NEWS ARTICLE FROM : http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National

December 18, 2013 @ 07:01 AM