TRILLANES, IPINAGTANGGOL ang GRUPON MAGDALO

binga-dam1

Ipinagtanggol ng Magdalo party-list group si Senador Antonio Trillanes IV sa alegasyong ginagamit nito ang pondo ng Senado sa kanyang personal na gastos.

Ayon sa grupong Magdalo, hindi makatwiran ang ibinabatong alegasyon.

Nauna nang itinanggi ng senador na ginagamit niya ang pondo ng Senado para sa kanyang personal na gastos, kabilang na ang pagpapasweldo sa kanyang mga kasambahay.

Ani Trillanes, ang mga pangalang inilabas sa isang pahayagan ay mga tunay at legal na consultant.

Ilan sa mga ito ay kinuha bilang mga confidential agent para sa kasalukuyang imbestigasyon sa Senado ukol sa mga anomalyang ibinabato laban kay Vice President Binay, habang ang iba naman ay gumagawa ng field research work.

 

SOURCE:

http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National/Trillanes%2C_dinepensahan_ng_grupong_Magdalo.html

August 26, 2015 @ 06:10 PM