TOTAL CASUALTIES NG ‘YOLANDA, PUMALO NA SA 5,982 AYON SA NDRRMC

Dalawampu’t tatlo pa ang naidagdag sa listahan ng mga iniwang patay ng Bagyong Yolanda.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 5,982 na ang death toll mula sa 5,959 nitong Miyerkules. Pinakamaraming nasawi sa Region 8 na pumalo na sa 5,628.

1,779 pa rin ang nawawala.

Halos 4 na milyon naman sa 12 milyong apektadong Pinoy ang nananatili sa mga evacuation center.

Mahigit P35.5 bilyon ang winasak ng bagyo sa sektor ng agrikultura at imprastraktura.

Pero patuloy naman ang pag-ayuda ng pamahalaan sa mga kababayang hirap pa rin sa pagkain. Bukod sa relief goods, may food at cash-for-work na ring ibinibigay sa mga sinalanta ng bagyo.

 

NEWS ARTICLE FROM: http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National

December 12, 2013 @ 09:56 AM