TIRADA NI SENADOR BONG REVILLA SA ADMINISTRASYON, PANGLIHIS SA ISYU NG PORK

Pinayuhan na lamang ni Interior Sec. Mar Roxas si Sen. Ramon “Bong” Revilla na direktang sagutin ang mga isyung nag-uugnay sa kaniya sa kontrobersiyal na P10-billion “pork” barrel fund scandal, sa halip na ilihis ang usapin.

Tinawanan na lamang ng kalihim ang pagkakaladkad ng kaniyang pangalan sa privilege speech ni Revilla, kung saan pinatungkulan pa ito bilang si “boy pick-up,” matapos niyang sunduin noon ang mambabatas para ihatid sa Malacanang.

Sa kaniyang talumpati kahapin, iginiit ni Revilla na ginagamit lamang na “panakip-butas” ng administrasyon ang isyu para pagtakpan ang mga kapalpakan nang pamamahala nito.

Inisa-isa rin ni Revilla ang aniya’y pagkukulang ng Aquino administrasyon, kabilang ang mabagal na aksyon sa pagtulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda at ang kabiguang maagapan ang nakaambang power rate hike.

Pero giit ni Roxas, mas mahalagang ipaliwanag din ni Revilla ang mga dokumentong nag-uugnay sa kaniya sa iskandalo.

 

 

NEWS ARTICLE FROM: http://www.bomboradyo.com/news/latest-news/item/40899-privelege-speech-ni-sen-revilla-ang-totoong-panlihis-sa-isyu-mar#sthash.UONMUgBG.dpuf

January 21, 2014 @ 11:11 AM