TIGDAS-BAKUNA CAMPAIGN INILARGA NG DoH SA KAMAYNILAAN

Kasunod ng pagtaas ng kaso ng tigdas, agad na umaksyon ang Department of Health (DOH) ay inilunsad kahapon ang malawakang measles vaccination campaign sa Metro Manila.

Ayon kay DOH-NCR Director Eduardo Janairo, iikot sila sa Kamaynilaan para sa pagbibigay ng lib­reng bakuna kung saan kahapon ay sinimulan ito sa Purok Molave, Barangay Addition Hills, Mandaluyong City.

“We will not wait for an epidemic of measles to spread and affect a large number of our children. It must be stopped aggressively so that we can prevent large-scale outbreaks that can lead to serious illness and even death,” ani Janairo.

Aniya, iikot ang measles vaccination teams sa may 17 local government units sa Metro Manila kung kaya hinihimok nito ang mga magulang na ang mga anak ay hindi pa nababakunahan kontra tigdas na tiyaking makakakuha ng serbisyong ito sa kanilang team.

Idineklara na ng DOH-NCR na priority health concern ang tigdas ngayong huling quarter ng taon.

 

NEWS ARTICLE FROM : http://www.abante.com.ph/issue

December 17, 2013 @ 07:20 AM