MASWERTENG BETTOR NA NANALO NG P 155M SA GRAND LOTTO 6/55, TIGA-NATIONAL CAPITAL REGION – PCSO

Isang taga-National Capital Region (NCR) ang masuwerteng nanalo ng mahigit P155 million jackpot prize sa 6/55 Grand Lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kagabi.

Ayon sa impormasyon mula sa PCSO, nagmula sa lungsod ng Muntinlupa ang solo winner ng Grand Lotto na nakakuha ng six digit number combinations na binubuo ng 02-38-32-19-08-03 kung saan ang premyo ay nasa P155,401,636.00.

Ang nasabing premyo ay itinuturing na pinakamalaki ngayong taon.

Sa nangyaring lotto draw kagabi, wala ring nanalo sa 6/45 Megalotto draw para sa premyong P42,943,664.00.

Ang masuwerteng anim na number ay binubuo ng 41-16-30-28-05 at 07.

Matatandaang napanalunan ng taga-Olongapo ang pinakamalaking premyo sa kasaysayan ng Philippine lottery na nagkakahalaga ng mahigit P741million.

Ang 6/55 Grand Lotto draw ay isinasagawa tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado sa Philippine International Convention Center (PICC), Pasay City.

 

NEWS ARTICLE FROM: www.bomboradyo.com/news/top-stories/item/40911-bettor-mula-muntinlupa-city-wagi-ng-p155-m-sa-lotto#sthash.VYhqBzlE.dpuf

January 21, 2014 @ 11:01 AM