TEMPERATURA SA KAMAYNILAAN, PUMALO SA 36.2ºC NITONG SABADO – PAGASA

Pumalo sa 36.2 degrees Celsius (ºC) ang pinakamataas na temperatura sa Metro Manila nitong Sabado.

Sa tala ng PAGASA, alas-3:00 ng hapon nang maitala ito sa Science Garden sa QC.

Makakaasa pa rin ngayong Linggo ng 26-36ºC na agwat ng temperatura sa Metro Manila.

Ito’y dahil patuloy pa ring apektado ng ridge ng high pressure area (HPA) ang Luzon.

Bunsod nito, sinabi ni PAGASA weather forecaster Buddy Javier sa panayam ng DZMM na magiging bahagya hanggang sa maulap sa kapuluan na may pulo-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog, lalo na sa hapon o gabi.

Magiging banayad hanggang sa katamtaman naman ang mga baybayin sa bansa.

 

SOURCE: http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National

May 18, 2014 @ 05:59 PM