TAUHAN sa PUBLIC ATTORNEY’s OFFICE, HINDI PAPALITAN sa PAGPASOK ng DUTERTE ADMIN

proxy

Hindi maaalis sa posisyon ang mga tauhan ng Public Attorney’s Office kapag naupo na sa puwesto si President-elect Rodrigo Duterte.

Ayon kay PAO Chief Atty. Persida Rueda-Acosta, may batas na nilagdaan si dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ukol dito.

“May tenure kami sa bagong batas na pinirmahan mismo ni pangulong Arroyo nung 2007. May tenure so hindi ka basta tatanggalin ‘pag nagpapalit ng political climate,” ani Atty. Acosta.

Dagdag pa ng abogada, may magandang relasyon ang PAO at si Duterte simula pa noong 2001.

Iginiit din ni Acosta na maaayos ang problema sa kriminalidad sa administrasyon ni Duterte.

“‘Yung aking vision ngayon, parang nakikita ko ‘yung gusto kong mangyari para masugpo ang kriminalidad,” pahayag ng abogada.

Itinuturing din umanong malapit na kaibigan ng PAO si President-elect Duterte.

 

 

SOURCe:

http://news.abs-cbn.com/nation/06/03/16/mga-tauhan-ng-pao-hindi-papalitan-sa-pagpasok-ng-duterte-admin

June 3, 2016 @ 03:44 PM