TAPYAS-PRESYO SA PRODUKTONG PETROLYO (MARSO 18, 2014)

Tapyas-singil sa mga produktong petrolyo ang ipinatupad ng mga kumpanya ng langis ngayong Martes, Marso 18.

Alas-12:01 ng madaling araw nang magbaba ng presyo ang mga istasyon ng Eastern Petroleum ng P0.70 sa singil nito sa kada litro ng diesel at P0.35 sa litro ng gasolina.

Sa gayung oras din nagtapyas ang Shell, Petron, Seaoil at PTT Philippines ng P0.65 sa presyo ng kada litro ng diesel at P0.30 sa gasolina.

Bukod pa ito sa P0.70 na bawas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Alas-6:00 ng umaga naman nang magbawas-singil naman ang Phoenix Petroleum Philippines ng P0.65 sa kada litro ng diesel at P0.30 kada litro ng gasolina.

Ang rollback ay dahil sa pagbaba ng presyuhan sa pandaigdigang merkado.

 

NEWS ARTICLE FROM : http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National

March 18, 2014 @ 09:39 AM