TAAS-PRESYO SA DIESEL, GASOLINE AT KEROSENE, NAGBABADYA NGAYONG LINGGO

Matapos ang dalawang linggong magkakasunod na rollback sa presyo ng produktong petrolyo, dagdag-presyo naman ang nakaamba ngayong linggo.

Ayon na rin ito sa abiso ng ilang kompanya ng langis.

Napag-alaman na naglalaro sa P0.50 hanggang P0.70 kada litro ang inaasahang dagdag-presyo sa diesel.

Habang P0.40 hanggang P0.60 naman kada litro ang dagdag-presyo sa gasoline, gayundin sa kerosene.

Bunga pa rin umano ito sa paggalaw ng presyo ng langis sa world market.

Sa kasalukuyan ay naglalaro sa pagitan ng P43-44 kada litro ang presyo ng diesel habang nasa pagitan naman ng P51-52 ang gasolina.

 

NEWS ARTICLE FROM : http://www.abante.com.ph/issue

January 27, 2014 @ 09:59 AM