SURIGAO, NILINDOL; MAGNITUDE 5.1 at 14 na AFTERSHOCKS NAITALA ng PHIVOLCS

Nakapagtala ng 14 aftershocks ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) makaraan ang magnitude 5.1 na lindol na yumanig sa Surigao nitong Biyernes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang aftershocks ay mula sa 3.2 hanggang 4.9 magnitude na karamihan ay naitala sa bayan ng Cortes sa Surigao del Sur.

Ang 5.1 magnitude na lindol ay naramdaman sa lakas na  Intensity 4 sa Surigao City at General Luna sa Surigado del Norte. Intensity 3 naman sa Tandag, Surigao del Sur habang Intensity 2 sa San Jose at Dinagat Island sa Surigado del Norte; Bayabas at Tago sa Surigao del Sur.

Bagamat patuloy ang pagkakaroon ng aftershocks ay wala naman itong naapektuhan o sinalantang mga tao at ari-arian.

 

SOURCE: http://www.philstar.com/bansa/2014/06/01/1329704/surigao-niyanig-ng-5.1-lindol-14-aftershocks

June 1, 2014 @ 08:08 PM