SUPPLEMENTAL BUDGET, HIRIT NG PALASYO

Umapela kagabi ang Palasyo ng Malacañang, sa pamamagitan ni Budget Secretary Florencio ‘Butch’ Abad, sa mga senador at congressman na tumulong na maipasa ang supplemental budget na gagamitin para sa pagbangon sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Eastern Visayas region.

Ayon kay Abad, maaaring abutin ng hanggang P20 bilyon ang supplemental dahil sa bukod sa P14.6 bilyon na pork barrel ng mga kongresista at senador ay mayroon pang Presidential Social Fund (PSF) na umaabot pa sa P6 bilyon.

Kasama ang PSF sa ipi­natigil ng Supreme Court na ipagamit sa Pangulo kaya magiging savings na ito kasama ang pork barrel na idineklarang “unconstitutional”.

Dahil kailangan ani­yang magmadali ang gobyerno, nakiusap si Abad sa mga kongresist­a at mga senador na ipasa ang supplemental budget.

Sinabi ni Abad na umaasa itong pumasok ang lahat ng mga mambabatas sa kanilang sesyon at “help us pass this supplemental budget”.

Maliban sa supplemen­tal budget, kailangan din umanong baguhin ang 2014 national budget par­a maglaan ng dagdag na pondo para sa Eastern Visayas na sinalanta ng bagyong Yolanda.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakiusap ang Malacañang sa Kongreso pagkatapos ideklara ng SC na unconstitutional ang pork barrel.

 

SOURCE: www.abanteton

November 21, 2013 @ 11:47 AM