SUNOD NA LABAN NI PACQUIAO PINAPALANTSA SA ABRIL 12, 2014

Pinaplano na ng Top Rank promotion ang sunod na laban ni People’s Champ Manny Pacquiao.

Ayon kay Top Rank CEO Bob Arum, target niyang sa Abril 12, 2014 gawin ang sunog na laban ni Pacman sa Amerika pero wala pang venue at kung sino ang makakalaban.

Bukas naman si Pacman sinuman ang kaniyang makalaban.

Muling nabuhay ang ugong na harapan nila ni Floyd Mayweather ng Golden Boy Promotions o kay Timothy Bradley.

Sagot ni Pacman sa nilulutong duwelo kay Mayweather, “dapat lumaban na siya, matagal na. ‘Yung mga tao naghihintay na.”

 

NEWS ARTICLE FROM : http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/Sports

November 26, 2013 @ 12:36 PM