‘SUMMER SEASON’, HINDI PA NAGSISIMULA – PAGASA

Nilinaw ni Pagasa forecaster Jun Galang na hindi pa tuluyang pumapasok ang summer season sa kabila ng naitalang mainit na panahon nitong weekend.

Ayon kay Galang, pansamantalang humupa ang northeast monsoon o hanging amihan at umiral ang easterly wind kaya naging maalinsangan sa malaking bahagi ng ating bansa.

Pero maaaring bukas o sa mga susunod na araw ay babalik pa rin ang malamig na temperatura kapag lumakas muli ang amihan.

Inaasahang magtatapos ang pag-iral ng malamig na hangin sa huling bahagi ng Pebrero.

Maaari namang mapaaga ang pagpasok ng summer kapag may ibang weather system na nakaapekto sa umiiral na amihan.

 

NEWS ARTICLE FROM : http://www.bomboradyo.com/news/top-stories/item/42964-di-pa-nagsisimula-ang-summer-season-pagasa#sthash.pVYQPsdp.dpuf

February 3, 2014 @ 10:11 AM