STATE OF CALAMITY, IDINEKLARA SA ILOCOS NORTE

ineng-debris-1

Nagdeklara ng state of calamity sa lalawigan ng Ilocos Norte, Sabado ng hapon.

Ito ay dahil sa tindi ng epekto ng pananalasa ng Bagyong “Ineng”.

Lubog pa rin sa baha ang ilang bayan sa lalawigan, partikular na sa Bingras, Bacarra, Solsona, at Laoag City.

Nasira ang mga bahay, pananim, kalsada, at tulay.

Sa bayan ng Bacarra, isang barangay ang na-isolate dahil sa matinding pagbaha dulot ng bagyo. Gayunman, ligtas ang mga residente roon.

Sa Laoag City, 13 pamilya ang nagsilikas dahil sa pagbaha.

Ilang bahagi pa rin ng lalawigan ang walang kuryente.

Ayon sa Ilocos Norte Electric Cooperative, posibleng maibalik ang kuryente bukas.

Nasira rin ang ilang bahagi ng dike sa dam sa bayan ng Solsona na nagdudulot ng pagbaha.

Iniulat naman ng Provincial Agriculture Office na umaabot na sa P4-milyon ang halaga ng mga nasirang pananim sa lalawigan.

Kinansela na rin ang klase sa lahat ng antas sa lalawigan simula ngayong araw hanggang sa Lunes, Agosto a-24 para sa kaligtasan ng mga mag-aaral.

 

 

SOURCE:

http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/Region/State_of_calamity%2C_idineklara_sa_Ilocos_Norte.html

August 22, 2015 @ 06:21 PM