SMOKE FREE AT POLLUTION FREE METRO MANILA, IKINAKAMPANYA NI JOY B

ac63ecc6419544f4db7d546161587052

Hiniling ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte sa publiko na gawing smoke free at pollution free ang Metro Manila lalu na ang Quezon City  kasabay sa isinagawang pagdiriwang ng ‘Lung Month’ sa Lung Center of the Philippines.

Ayon kay Belmonte, dapat magkaisa ang bawat mamamayan na gawing malinis sa polusyon ang hangin dahil sa epektong dulot nito sa kalusugan ng bawat indibiduwal.

Anya, batay sa kanyang nalaman, ang respiratory diseases ay dulot ng paninigarilyo at polusyon sa hangin kung saan 50 percent anya ng mga smokers ay namamatay dahil sa lung cancer at iba pang kahalintulad na sakit.

Ang kalidad naman anya ng hangin sa QC ay lumalala laluna kung weekdays dahil sa usok ng mga sasakyan sa mga lansa­ngan na nagdudulot ng asthma, bronchitis at iba pang airborne illnesses­. Si Belmonte ang guest speaker sa ginanap na launching­ ng ‘Lung month’ ngayong Agosto.

 

 

SOURCe:

http://www.philstar.com/psn-metro/2015/08/06/1484959/smoke-free-pollution-free-ipinanawagan-ni-joy-bac63ecc6419544f4db7d546161587052

August 6, 2015 @ 11:58 AM