SKYWAY RAILINGS, PATATAASAN PARA IWAS-HULOG ANG MGA SASAKYAN

Upang maiwasan ang pagkahulog ng mga sasakyan, hinikayat ni Dasmariñas Cavite Rep. Elpidio Barzaga ang pamunuan ng Skyway Operations and Management Corp (SOMCO) na maglagay ng mas mataas na railings sa South Metro Manila Skyway sa Taguig City.

Ito ay upang hindi na umano maulit pa ang insidente ng pagkahulog ng Don Mariano Transit bus at mabagsakan ang isang close van noong Lunes ng umaga kung saan 18 katao ang nasawi at pagkasugat ng nasa 20 pa.

Umapela rin si Barzaga sa Land Transportation Office (LTO) na ba­wiin ang lisensya ng mga reckless driver at patawan ng lifetime ban upang madisiplina.

Hinikayat din ni Barzaga ang LTFRB na kanselahin ang prangkisa ng mga pasaway na bus companies upang magsilbing halimbawa sa iba pa.

Hindi anya magbabago ang mga pasaway na driver kung ningas kugon lang ang gagawin ng gobyerno.

 

NEWS ARTICLE FROM : http://www.philstar.com/bansa

December 19, 2013 @ 08:58 AM