SINGIL ng MERALCO sa KURYENTE, BABABA NGAYONG SETYEMBRE

download

Bababa ang singil ng Meralco sa kuryente ngayong Setyembre.

Ayon kay Meralco spokesperson Joey Zaldarriaga, P0.57 kada kilowatt hour ang mababawas sa singil o katumbas ng P114 bawas sa mga kumokonsumo ng 200 kilowatt hour kada buwan.

Nasa P171 naman ang mababawas sa bill ng mga kumokonsumo ng 300 kilowatt hour kada buwan, P228 naman sa may 400 kilowatt kada buwan, at P282 sa may 500 kilowatt kada buwan.

Ito na ang ikapitong bawas-singil na ipinatupad ng Meralco dahil sa patuloy na pagbaba ng generation charge.

 

 

SOURCe:

http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National/_Singil_ng_Meralco%2C_bababa_ngayong_Setyembre.html

September 7, 2015 @ 06:08 PM