#SILIPanahon kay #LandoPH

alden-yayadub-044

#SILIPanahon

Bahagyang humina ang Bagyong Lando habang patuloy na tinatahak ang mga probinsya ng Apayao, Ilocos Norte at Abra.

Batay sa huling tala ng PAGASA, alas-4:00 Lunes ng madaling araw, huling namataan ang bagyo sa lugar na sakop ng Santiago, Ilocos Sur.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot ng 120 kilometro kada oras (kph) malapit sa sentro nito at may pagbugsong aabot ng 150 kph.

Kumikilos ito pa-hilaga hilagang-silangan sa bilis na 5 kph.

Wala nang lugar ang nakailalim sa storm signal no. 3 pero nakataas pa rin ang signal no. 2 sa mga sumusunod na lugar:

Benguet
Cagayan kabilang ang Calayan at Babuyan Group of Islands
Ilocos Sur
Pangasinan
La Union
Ilocos Norte
Ifugao
Mountain Province
Kalinga
Nueva Vizcaya
Apayao
Abra

Samantala, signal no. 1 naman sa:

Zambales
Tarlac
Pampanga
Bulacan
Nueva Ecija
Quirino
Aurora
Isabela
Batanes
Metro Manila

Inaasahang lalabas ito ng kalupaan ng Martes ng hapon o gabi sa bahagi ng Ilocos Norte o Cagayan.

Patuloy naman na mararanasan ang malakas na pag-ulan sa loob ng 500-km diametro ng bagyo lalo sa kanlurang bahagi ng northern at central Luzon.

Nakataas din ang gale warning sa seaboards ng buong Luzon at Visayas. Asahan na rin ang storm surge na aabot ng 2 metro lalo na sa northern at central Luzon.

 

SOURCe:
http://dzmm.abs-cbnnews.com/

October 19, 2015 @ 01:16 PM