SERBISYO ng TELCOS, PWEDENG IREKLAMO kung HINDI TUGMA sa kanilang ADS – NTC

graft-and-corruptions-agains-binay-1

Nagpalabas na ang National Telecommunications (NTC) ng kautusan para isapubliko ng telecommunication companies ang tunay na minimum at maximum speed ng binebentang internet service, ayon kay NTC Director Edgardo Cabarios.

Kasunod ito ng mga pag-aaral na pangalawa ang Pilipinas sa may pinakamabagal na internet service at ikalawa rin sa may pinakamahal na singil sa 62 na mga bansa sa Asia-Pacific region.

Ayon sa NTC, kapag hindi tugma ang bilis ng internet sa mga sinasabi sa patalastas ng telcos, maaaring magsumbong ang publiko sa kanila o sa Department of Trade and Industry (DTI).

Maaaring patawan ng multa ang kumpanya.

Nilinaw naman ni Senador Bam Aquino na saklaw lamang ng kautusan ang mga broadband.

Magpapalabas naman ang NTC ng hiwalay na kautusan para sa mobile phones.

Ipapanukala rin umano ni Sen. Aquino na taasan ang multa sakaling hindi tumupad sa pangako ang mga kumpanya. 

 

 

SOURCE:

http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National/NTC%3A_Serbisyo_ng_telcos%2C_maaaring_ireklamo_kung_hindi_tugma_sa_ads.html

August 18, 2015 @ 05:44 PM