SEN. GRACE POE, INALOK NI MAR ROXAS BILANG BISE

mar-and-grace-for-2016

Inalok ni DILG Sec. Mar Roxas si Sen. Grace Poe na maging runningmate niya sa 2016 elections sa national television kahapon.

“Inimbita ho namin si Senadora Grace Poe na sumama dito sa tandem na ito, na sumama sa ating movement, sa ating laban na pagpapatuloy, pagpapalawak ng daang matuwid,” wika ni Roxas ng mag-guest sa GMA 7 “Unang Hirit”.

Sinabi ni Roxas na Mayo pa niya inalok si Poe na maging ka-tandem niya pero baka daw inisip ng senadora na hindi ito pormal kasi hindi pa naman siya ineendorso noon ni Pangulong Aquino upang maging presidential bet ng administration coalition.

Muli siyang inalok mismo ni PNoy noong mag-usap sila sa Malacañang.

Ayon naman kay Poe, mahabang proseso na dapat pag-isipang mabuti ang alok ni Roxas.

Ayaw niyang malagay sa alanganin at sa Oktubre pa niya balak magdesisyon kung tatakbo siya sa mas mataas na posisyon.

Dagdag ni Poe na wala pa naman siyang personal na imbitasyon na natatanggap mula kay Roxas.

Pero sakali aniyang magka-usap sila ng personal ni Roxas, sasabihin niya sa kalihim na nag-iisip pa siya.

 

 

SOURCe:

http://www.philstar.com/bansa/2015/08/06/1485074/grace-inalok-ni-mar-na-mag-vp

August 6, 2015 @ 11:37 AM