SCORELESS DRAW para sa AZKALS sa FIFA WORDL CUP kontra NORTH KOREA

senator-bong-bong-marcos-2

Walang naka-iskor sa bakbakan sa pagitan ng Pilipinas at North Korea sa 2018 FIFA World Cup Qualifiers pero positibo ang resulta na ito para sa Philippine Azkals.

Bumalik sa second spot ang Azkals tangay ang 2-1-1 win-draw-loss, habang nasa tuktok pa rin ng Group H ang North Korea na may 3-1-0.

 Bago ang kanilang laban ay tatlong magkakasunod na panalo ang naitala ng North Korea matapos daigin ang Uzbekistan, 4-2, nitong Hunyo.

Nitong nakaraang buwan naman ay binubog ng Uzbekistan ang Pilipinas, 5-1.

Ang mangungunang koponan sa bawat group ang papasok sa second round ng torneo.

 

 

SOURCe:

http://www.philstar.com/psn-palaro/2015/10/08/1508520/azkals-scoreless-draw-sa-north-korea

October 8, 2015 @ 06:44 PM