SARAH G., WAGI SA INTERNATIONAL SINGING CONTEST

ineng-debris-1

Wagi si Sarah Geronimo sa ginanap na 10th International Singing Contest: The Global Sound para sa kanyang kantang Kilometro.

Ayon sa balita na lumabas sa website ng Viva, tinalo ni Sarah ang ibang nakalaban na nagmula sa 26 na bansa tulad ng Belarus, Latvia, New Zealand, South Korea, Italy, Colombia, Denmark, Australia, Venezuela, Brazil, Turkey, Peru, Argentina, Lithuania, Mexico, Malaysia, Albania, The Netherlands, France, USA, Sweden, Singapore, United Kingdom, Portugal, and the Dominican Republic.

At dahil sa pagkapanalo ni Sarah, gumawa umano siya ng kasaysayan. Nauna na kasi pala siyang sumali sa nasabing contest para sa kantang Sino Nga Ba Siya at siya ang kauna-unahang nanalo na sumali lang uli.

At ito rin ang unang pagkakataon na nagmula sa Asian country ang nanalo.

Ang pagkakapanalo ni Sarah ay dinisesyunan ngĀ  international jurors and YouTube views.

 

 

SOURCE:

http://www.philstar.com/psn-showbiz/2015/08/22/1490788/tinalo-ang-contestants-sa-26-na-bansa-sarah-wagi-sa-international

August 22, 2015 @ 06:06 PM