SAN ANTONIO SPURS KAMPEON SA NBA

Tiniyak ng San Antonio Spurs na sa kanilang homecourt sila magdiriwang ng kanilang kampeonato matapos tanggalin sa trono ang Miami Heat, 104-87, sa Game 5 ng NBA Finals sa AT&T Arena.

Kinubra ng Spurs ang kanilang ikalimang korona sa kasaysayan ng kanilang koponan sa likod ng kanilang matinding opensa na pinangunahan ni Kawhi Leonard na may 22 markers at 10 rebounds.

Kinilala ang 22-anyos na si Leonard bilang Finals MVP sa kanyang average na 17.8 points per game, 6.4 rebounds per game na may 61.2 porsyentong fieldgoal.

Si Leonard ang pinakabatang Finals MVP mula noong 1999.

Nakabawi ang Spurs sa kanilang pagkakatalo sa nakaraang taong kontra rin sa Miami na dalawang magkasunod na taon naghari sa NBA.

 

SOURCE: http://www.philstar.com/psn-palaro/2014/06/16/1335448/spurs-kampeon-ng-nba

June 16, 2014 @ 07:10 PM