SAMAHANG BASKETBALL NG PILIPINAS, UMAASANG MABIBIGYAN NG FILIPINO CITIZENSHIP NG MALACA√ĎANG SI ANDRAY BLATCHE

Umaasa ang Sama¬≠hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na tuluyan nang mabibigyan si Brooklyn Nets‚Äô center Andray Blatche ng Filipino citizenship ng Malaca√Īang.

Matapos dumating kahapon ng umaga sakay ng Korean airlines at sinun­do ni Gilas Pilipinas’ head coach Chot Reyes ay du­miretso si Blatche sa isang hotel para sa isang tanghalian kasalo si SBP president Manny V. Pangi­linan.

Ang 6-foot-11 na si Blatche ay nasa bansa pa­ra personal na makilala ang mga miyembro ng Gi­las Pilipinas.

Pinaghahandaan ng Na­tionals ang dalawang mabibigat na international tournaments ngayong ta­on.

Ang mga ito ay ang FIBA World Cup sa Spain sa Agosto at ang Asian Games sa Incheon, Korea sa Setyembre.

Ang pirma na lamang ni Pangulong Benigno ‚ÄėNoyoy‚Äô Aquino III ang kailangan para mabigyan ang 27-anyos na si Blatche ng Filipino citizenship.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Si Blatche ay naglista ng mga averages na 6.4 points at 5.0 rebounds sa 12 laro niya para sa Nets sa postseason.

Inihayag ni Reyes sa kan­yang official twitter account na @coachot na ma­nonood si Blatche ng laro ng San Mig Coffee at Air21 sa 2014 PBA Governors’ Cup ngayong alas-8 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Matutunghayan ni Blatche sa aksyon ang mi­yembro ng Gilas Pilipinas na si forward Marc Pingris ng Mixers.

Si Blatche ang planong ipalit ng Gilas Pilipinas sa 33-anyos na si Marcus Douthit, nabigyan ng Fili­pino citizenship noong 2011.

Binanderahan ng 6’11 na si Douthit ang pagiging runner-up ng Gilas Pilipinas sa nagkampeong Iran sa 2013 FIBA-Asia Men’s Championships.

Nasa pang-34 sa buong mundo, makakaharap ng Gilas Pilipinas sa 2014 FIBA World Cup ang Argentina, Greece, Croatia, Senegal at Puerto Rico sa Group B.

 

SOURCE: http://www.philstar.com/psn-palaro/2014/06/09/1332680/sbp-umaasang-magiging-naturalized-si-blatche

June 9, 2014 @ 10:04 AM