ROXAS, KINUMPIRMA NA BILANG BAGONG DILG SECRETARY; ABAYA, BILANG DOTC CHIEF

Kinumpirma na ng Commission on Appointments ang pagtatalaga kay Mar Roxas at Cavite Rep. Joseph Emilio Abaya bilang mga bagong pinuno ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Transportation and Communications (DOTC).

Tinupad naman ni Senador Miriam Defensor-Santiago ang pangako niyang haharangin ang appointment nina Roxas pero binawi rin niya ito matapos ang short suspension sa pagdinig na ipinatawag ni Senador Tito Sotto.  Sinuportahan din ni Santiago ang kumpirmasyon ni Abaya.

September 19, 2012 @ 02:35 PM