ROLLBACK SA MGA PRODUKTONG PETROLYO, NAMUMURO NGAYONG LINGGO

oil-price-roll-back

Namumurong muling magkaroon ng pagbaba sa presyo ng langis sa darating na linggo.

Sa panayam ng DZMM, kinumpirma ni Energy OIC Secretary Zenaida Monsada na may inaasahang roll back sa susunod na linggo.

Bagama’t tumangging magbigay ng eksaktong numero, mababa anya sa piso ang maaaring itapyas sa presyo.

Ani Monsada, sa pitong linggong sunud-sunod na rollback, nasa P4.40 na umano ang kabuuan na ibinaba ng presyo ng diesel samantalang P3.55 naman sa gasolina.

Paliwanag ng opisyal, ang magkakasunod na pagbaba ng presyo ay dahil sa mas mabilis na paglaki ng supply ng langis kumpara sa demand.

Hindi na anya ganoon kalaki ang inaangkat na langis ng America, na siyang pinakamalaking konsyumer ng langis sa mundo, dahil sa unti-unti nang dumarami ang small-time producers ng langis doon.

Ikinalulungkot naman umano ng kagawaran na hindi pa bumababa ang presyo ng ibang kalakal.

Puna ni Monsada, kapag nagtaas ng presyo ang langis, sumusunod din sa pagtaas ang ibang bilihin, subalit ngayong bumababa ang presyo ng langis, nananatili pa rin ang presyo ng mga kalakal.

 

 

SOURCe:

http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National/Tapyas-presyo_sa_langis%2C_muling_inaasahan.htmloil-price-roll-back

August 9, 2015 @ 10:12 AM