REFUND PARA SA 37K NA CUSTOMER NG MERALCO, IBIBIGAY NA

Inihayag kahapon ng pamunuan ng Manila Electric Company na makakatanggap ng refund ang kanilang 37,000 customer na nagbayad ng ‘total amount due’ sa kanilang February electricity bill.

Ayon kay Meralco spokesman Joe Zaldarriaga, naitama na nila ang kanilang ipinadalang bill sa kanilang mga customer na nagbayad ng ‘total amount due’.

Nilinaw din ni Zaldarriaga na sa kabuuang 5.3 milyon nilang customer ay 420,000 lamang ang napadalhan nila ng ‘total amount due’, 37,000 sa mga ito ang agad na nagbayad kaya kaila­ngan nilang mag-refund habang ang iba ay ‘current amount due’ lamang ang binayaran.

Tiniyak ni Zaldarriaga na sa March bill na ipapadala nila sa kanilang mga customer ay hindi na kasama ang ‘total amount due’ bunsod ng ipinalabas na Temporary Restraining Order (TRO) ng Supreme Court na pumipigil sa pagtataas ng singil sa kuryente.

Inihayag din ni Zaldarriaga na bababa ang gene­ration charge nila ngayong buwan ng Marso pero hindi pa sinabi kung magkano.

 

NEWS ARTICLE FROM : http://www.philstar.com/bansa

March 6, 2014 @ 09:26 AM