RALLY para sa PAGTAKBO ni MAYOR DUTERTE sa 2016, IKAKASA ng SUPPORTERS sa SEPTEMBER 26

mamasapano-maguindanao-philippines-saf-20150128-011

Kumbinsido ang mga tagasuporta ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na ito lang ang ang kayang magdala ng pagbabago sa bansa.

Dahil dito, magsasagawa ng political rally sa Luneta Park sa Maynila ang mga tagasuporta nito para kumbinsihin ang alkalde na ituloy ang pagtakbo sa pagka-pangulo sa Halalan 2016.

Sa panayam ng DZMM, sinabi ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) founding chairman at president Dante Jimenez na walang sinumang pulitiko ang kayang tapatan ang nagawa ni Duterte sa nasasakupan nito.

Panawagan ni Jimenez sa mga tagasuporta ni Duterte na sumama sa rally bilang pagpapakita na rin ng kanilang pwersa.

“Nakakalungkot kung hindi pagbibigyan ni Mayor Duterte ang panawagan ng mga kababayan natin na sawang-sawa nang araw-araw may patayan, araw-araw may rape, araw-araw may mga carnapping, kidnapping at saka murder, riding-in-tandem, drugs,” dagdag pa ni Jimenez.

Matatandaang una nang inanunsyo ni Jimenez na hindi siya tatakbo sa pagka-pangulo sa 2016 at tatapusin na lang ang termino sa pagka-alkalde.

 

SOURCe:

http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National/Rally_para_kumbinsihin_si_Duterte_na_tumakbo_sa_2016%2C_kasado_na_sa_Sept_26.html

September 18, 2015 @ 05:43 PM