RAIN OR SHINE, NAKUHA ANG UNANG PBA CHAMPIONSHIP CROWN

Nanaig ang Rain or Shine Elasto Painters sa game 7 ng PBA Governors Cup laban sa B-Meg Llamados, 83-76, para kunin ang kanilang kauna-unahang korona sa PBA.

Pinangunahan ng import na si Jamelle Cornley ang kampanya ng RoS sa kanyang 20 points at 14 rebounds.  Malaking tulong rin ang  16 points ni Jeff Chan at 15 points ni Gabe Norwood .  Tinanghal na Cinnabon Finals MVP si Jeff Chan, na siya ring nakakuha ng Most Improved Player award nitong season.

Para kay head coach Yeng Guiao, nagbunga na ang kanilang inalagaang pangarap.  Natamo umano nila ang inaasam na tagumpay dahil sa kanilang puso at determinasyon.  Ang Rain or Shine ang pinakabatang koponan sa PBA, matapos itong pumasok sa liga anim na taon na ang nakalipas.

 

 

August 6, 2012 @ 10:53 AM