QUEEN OF ALL MEDIA, KRIS AQUINO HINDI PA READY SA 2016; MAR-KRIS TANDEM, ITINANGGI

Tahasang sinabi ni Presidential sister and TV host Kris Aquino na hindi pa handa ang taumbayan at Pilipinas para sa kanya ngayong 2016.

Itinanggi ni Kris na mayroon nang usapan upang siya ang maging tandem ni DILG Sec. Mar Roxas para sa 2016 elections.

Iginiit ng bunsong ka­patid ni PNoy na walang katotohanan ito at wala siyang balak tumakbo sa 2016.

“Siguro categorically, kaya kong magsalita nang patapos — sa 2016, it’s not yet my time. Let’s talk about 2019,” wika pa nito sa Abunda and Aquino tonight program kamakalawa ng gabi.

Ipinahiwatig ni Kris noong sumama ito sa kampanya nina Sen. Chiz Escudero at Sen. Grace Poe noong 2010 elections na bago siya sumabak sa national elections ay nais muna niyang tumakbo sa local post tulad sa kanilang lalawigan na Tarlac.

Ito sana ang nais ipantapat ng administrasyon sa nilulutong tandem nina Vice-President Jejomar Binay at Batangas Gov. Vilma Santos-Recto.

Itinanggi din ni Gov. Santos-Recto na wala siyang planong tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2016 elections.

 

NEWS ARTICLE FROM : http://www.philstar.com/bansa

March 6, 2014 @ 09:27 AM