PRESYO NG PETROLYO, MAY P2 TAAS SIMULA SETYEMBRE 8

download

Halos P2 ang umento sa presyo ng diesel, kerosene at gasolina simula Martes, Setyembre 8.

Epektibo alas-12:01 Martes ng madaling araw ang taas-presyo ng mga kumpanyang Shell at SEAOIL na P1.95 sa kada litro ng diesel, P1.75 sa kada litro ng gasolina, at P1.85 sa kada litro ng kerosene.

Simula alas-6:00 ng umaga naman ipapatupad ang dagdag-presyo na P1.70 sa kada litro ng gasolina at P1.90 sa kada litro ng diesel sa Eastern Petroleum.

Sa parehong oras din epektibo ang P1.75 umento sa kada litro ng gasolina at P1.95 sa kada litro ng diesel ng kumpanyang Phoenix Petroleum.

Paliwanag ng Department of Energy (DOE), sanhi ito ng pagtaas ng $6 na presyo ng langis sa world market na siyang magdudulot ng pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Pero ayon sa mga analyst, hindi magtatagal ang mataas na presyo dahil walang malaking demand.

Sabi pa ni Energy acting secretary Zenaida Moinsada, maliit pa rin ang halos P2 umento sa presyo ng produktong petrolyo dahil umabot sa P5 ang rollback simula nitong Hunyo. 

 

 

SOURCE:

http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National/Halos_P2_taas-presyo_sa_produktong_petrolyo%2C_ipapatupad.html

September 7, 2015 @ 06:04 PM