PRESIDENTIAL DEBATE, PINABORAN NG MALACA√ĎANG

malacanang-logo-1

Pabor ang Malaca√Īang sa plano ng Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng presidential debate sa iba‚Äôt ibang panig ng bansa upang masu¬≠ring mabuti ng publiko ang mga kandidatong nararapat na iboto.

Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., mahalagang masuri ng mga mamamayan ang mga isyung dapat nilang pagpasyahan.

Sinabi pa ni Coloma na importante ring makilala ng mga botante ang mga kandidato sa pamamagitan ng pagsasagawa ng debate.

‚ÄúMahalaga rin na ma¬≠kilala nila ang mga kandidato at ang pagdaraos ng isang tagisan, katulad ng isang debate, ay mainam na paraan para matamo ang mga layunin na ‚Äėyan,‚ÄĚ pahayag ni Coloma.

Naniniwala si Coloma na ginagawa ng Comelec ang kanilang trabaho upang mas magkaroon ng partisipasyon ang mga mamamayan sa halalan.

‚ÄúKaya hintayin po natin ang magiging programa ng Comelec. Sa atin pong palagay ay ginagawa nila ang kanilang tungkulin na maitaguyod ang mahusay na partisipasyon ng ating mga mamamayan sa isang maayos at kapani-paniwalang eleksyon,‚ÄĚ ani Coloma.

Nauna rito, inihayag ng Comelec na plano nitong mag-organisa ng debate sa hanay ng mga presidential candidates katulad ng presidential debates noong 1992.

 

 

SOURCE:

http://www.philstar.com/bansa/2015/08/09/1485910/presidential-debate-ikinakasamalacanang-logo-1

August 9, 2015 @ 10:29 AM