PORK BARREL SCAM POSOBLENG MALUSAW DAHIL SA VP JEJEMOR BINAY – JINGGOY ESTRADA SA 2016

Nagpahayag ng pa­ngamba ang mga cause oriented groups at militanteng grupo sa tila pag­lutang na ng pangalan ni Sen. Jinggoy Estrada na posibleng ka-tandem ni Vice President Jejomar Binay sa 2016 Presidential election bilang sen­yales umano na wala nang kahihinatnan ang pagpupursige na mapa­nagot ang mga nasa likod ng pagwaldas sa PDAF funds.

Ayon kay Bayan Muna chairperson Renato Reyes sa halip na pagsagot sa plunder case ang atupagin nina Estrada, Sen. Bong Revilla at Sen. Juan Ponce Enrile ay tila hindi umano nila alintana ang kasong isinampa laban sa mga ito at sa halip ay mas abala sa pagbuo ng partido at line-up para sa 2016 election.

“Senyales ba ito na kumpiyansa silang walang mangyayari sa kaso dahil dalawang taon na lang bago ang 2016, sa tagal ng justice system sa Pilipinas, baka maging justice delayed is justice denied,” pahayag ni Reyes.

Gayundin naman ang sentimyento ng Kabataan Partylist, sinabi ni Rep. Terry Ridon na sa kabila ng paglutang ng mga whistleblower at overwhelming evidence ay hindi pa rin umuusad ang imbestigasyon. Pinuna nito ang kabagalan ng Department of Justice at Ombudsman na s’ya umanong mananagot sa taumbayan sakaling mauwi sa wala ang kaso ng pork barrel scam.

Inulit naman ng Kabataan partylist ang pa­nawagan ng whistleblower group na tapusin agad ang imbestigasyon pagsapit ng 2015 dahil tiyak kung 2016 umano ay wala nang mangyayari sa kaso dahil panahon ng eleksyon.

Ang pahayag ay ginawa nito sa harap na rin ng nauna nang pahayag ni Sen. Nancy Binay na si Sen. Estrada ang napipisil na maging runningmate ng kanyang ama sa 2016.

Hinamon naman ng mga militante ang taumbayan na matuto na at huwag iluklok sa pwesto ang mga corrupt na opisyal, bagamat hindi pa umano panahon ng eleksyon ay marami na ang nagpapahiwatig ng kanilang intensyon na tumakbo para sa pansariling interes.

Sinabi naman ni Atty. Levito Baligod, abogado ni dating TRC General Manager Dennis Cunanan na wala silang magagawa kung tatakbo sa mas mataas na posisyon ang mga nasasangkot sa pork barrel scam ngunit ang makatitiyak umano ay may matibay na ebidensya silang kayang patunayan ng pagkakasangkot nito sa pagwaldas ng PDAF funds.

 

NEWS ARTICLE FROM : http://www.philstar.com/bansa

March 6, 2014 @ 09:30 AM