POPE FRANCIS, IPINAGDIWANG ANG IKA-77 KAARAWAN KASAMA ANG MGA WALANG TIRAHAN

Ipinagdiriwang ni Pope Francis ang kaniyang ika-77 kaarawan ngayong Martes.

Simple lang ang naging pagdiriwang ng Santo Papa. Matapos pangunahan ang isang misa, nakasalo nito sa agahan ang ilang trabahador sa Vatican City at apat na lalaking pawang naninirahan sa lansangan sa Roma.

Masayang nakipag-usap ang Santo Papa sa mga bisita at nakiusap na ituring siya ng mga ito bilang kapamilya.

Bago pa man ang mismong kaarawan ni Pope Francis, niregaluhan na ito ng ilang bata ng birthday cake.

Paparating naman sa Vatican City ang paboritong soccer team ng Santo Papa sa Argentina para ialay dito ang replica ng kanilang championship trophy.

 

NEWS ARTICLE FROM : http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/World

December 18, 2013 @ 07:09 AM