POPE FRANCIS, BUKAS PARA SA MGA PARI NA GUSTONG MAG-ASAWA

Bukas ang pintuan ni Pope Francis na baguhin ang tradisyon sa itinuturo ng Simbahang Katoliko at payagang magpakasal ang mga pari.

Subalit nilinaw ng Santo Papa na naniniwala pa rin itong ang lahat ng Roman Catholic priests ay igagalang ang celibacy ng mga ito.

“Celibacy is not a dogma. It is a rule of life that I appreciate very much and I think it is a gift for the Church but since it is not a dogma, the door is always open,” aniya.

Nabatid na itinuturo ng Simbahang Katoliko na ang lahat ng pari ay dapat lamang na ilaan ang sarili nito sa bokasyon o pagtuturing na kabiyak nito ang Simbahan.

Una nang sumulat kamakailan ang ilang kababaihan kay Pope Francis na humihiling na payagan nitong makapag-asawa ang mga pari.

 

SOURCE: http://www.abante.com.ph/k2-tags/news/abroad2/6315/pope-bukas-sa-pag-aasawa-ng-mga-pari.html

May 29, 2014 @ 04:04 PM