PNP CHIEF sa mga MOTORISTA: WAG UMASANG MAY MILAGRO SA EDSA TRAFFIC

download

Huwag umasa ang mga motorista ng milagro sa problema sa trapiko sa Edsa.

Ito ang ipinaalala ni Philippine National Police (PNP) chief Ricardo Marquez sa mga motorista sa unang araw ng pagmamando ng Highway Patrol Group (HPG) sa daloy ng trapiko sa Edsa.

Ayon kay Marquez, walang “magic solution” ang HPG kaya hindi agad mawawala ang problema sa trapik.

Aniya, layon lang nilang mapabilis ang trapiko partikular sa itinalagang anim na choke point sa Edsa.

Una nang umapela ang HPG na bigyan pa sila ng isang linggo para lubusang pag-aralan ang sistema ng trapiko sa Edsa.

Samantala, pinuri naman ng isang grupo ng mga mananakay ang unang araw na trabaho ng HPG.

Ayon kay Elvira Medina, pangulo ng National Center for Commmuter Safety and Protection, napansin nilang mas tutok sa pagmamando ng trapik ang mga taga-HPG hindi gaya ng mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Umaasa si Medina na magtutuloy-tuloy na ang pag-ayos ng trapiko sa Edsa sa pamamagitan ng pagpapatupad ng batas, pag-obserba ng disiplina at paglilinis sa mga bangketa.

Umapela naman si retired Archbishop Oscar Cruz sa publiko na huwag munang batikusin ang HPG at sa halip ay suportahan ang mga ito sa kanilang trabaho.

 

 

SOURCe:

http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/Metro/PNP_chief%3A_HPG%2C_walang_magic_solutions_sa_Edsa_traffic.html

September 7, 2015 @ 06:06 PM