PNoy, LILIPAD SA MALAYSIA NGAYONG BUWAN PARA SA KANYANG STATE VISIT

Nakatakdang magtungo para sa isang state visit sa Malaysia si Pangulong Noynoy Aquino, ngayong buwan.

Ito’y matapos siyag imbitahan ni Malaysian Prime Minister Najib Abdul Razak.

Ayon sa source ng The Philippine Star, mas pinili ng dalawang kampo na mauna ang state visit ni PNoy sa Malaysia bago ang pagbabalik-Maynila ni Najib sa Marso para sa inaasahang pagpirma ng comprehensive agreement sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Oktubre 2012 nang unang bumisita sa bansa ang Malaysian PM para sa sa pirmahan ang Bangsamoro Framework Agreement.

Tumatayong facilitator ang Malaysia sa negosasyon sa pagitan ng gobyerno at MILF.

Nilinaw naman ng pamahalaan na hindi nakaapekto sa relasyon ng bansa ang standoff sa Lahad Datu, Sabah noong nakaraang taon.

Ang pagtulak ni PNoy sa Malaysia ang unang biyahe sa labas ng bansa ni PNoy ngayong taon.

 

NEWS ARTICLE FROM : http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National

February 18, 2014 @ 10:30 AM