TINAOB ANG 137 ENTRIES NG IBANG BANSA; PINOY DOC, WAGI SA ‘AMERICA MEET WORLD’ COEDY VIDEO COMPETITION

Isang doktor na Pinoy ang nagwagi sa “America Meet World” comedy video competition.

Anunsyo ng website ng kompetisyon: “Congratulations to our first ever America Meet World Winner, Nathaniel Cruz! Nathaniel is a Doctor and comedian from the Philippines, and is the comic mastermind behind the winning video JunJun: The Social Network Savvy Beggar. Episode 1 “Hunger.””

Pinataob ng video ni Cruz ang 137 iba pang kalahok mula sa higit 20 bansa.

Tinanghal namang runner-up sa kompetisyon ang entry ng South African comedian na si Nik Rabinowitz.

Kalakip na premyo sa pagkapanalo ni Cruz ang biyahe patungong New York City para makilala ang award-winning producers ng US comedy news program na “The Daily Show with Jon Stewart.”

 

NEWS ARTICLE FROM : http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National

March 6, 2014 @ 09:41 AM