PILIPINAS, TINAGURIANG ‘MOST OBSESSED’ SA LIBRO AT PELIKULANG ‘THE FAULT IN OUR STARS’

Tinaguriang “most obsessed” ang Filipino fans ng aklat at pelikulang “The Fault In Our Stars” (TFIOS) ng manunulat na si John Green.

Batay sa isang talaan ng Google, lumalabas na ang Pilipinas ang may pinakamataas na search index volume sa naturang website.

Nakuha nito ang iskor na 100.

Lumitaw na mas madalas i-type ng mga nasa Pilipinas ang “The Fault In Our Stars” sa website kumpara sa Estados Unidos na pumapangalawa sa listahan sa iskor na 44.

Nasa ikatlo naman ang Singapore sa iskor na 38, Australia sa ika-apat sa iskor na 37 at 36 naman ang New Zealand.

Bukod sa hilig ng mga nasa Pilipinas sa pagbabasa at panonood ng dramatic love story nina Hazel Grace Lancaster at Augustus Waters, may sarili na ring shirt company ang mga fan nito.

Pinauso rin ng mga TFIOS fan ang hashtag na #ICanSeeTheStarsFromThePhilippines sa micro-blogging site na Twitter nang ipalabas ito noong Hunyo 5.

 

SOURCE: http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/Entertainment/Pilipinas%2C_tinaguriang_%27most_obsessed%27_sa_%27The_Fault_In_Our_Stars%27.html

June 9, 2014 @ 09:57 AM