PILIPINAS, ISA SA MGA PINAKAMALAYANG BANSA PAGDATING SA PULITIKA AT SIBIL

Ipinagmalaki ng Palasyo ng Malacañang ang patuloy na pagkilala ng international community sa Pilipinas lalo na sa ilalim ng administrasyon ni Pa­ngulong Benigno “Noynoy” Aquino III bilang isa sa mga bansa sa mundo na may hindi matatawarang kalayaan sa pulitika at sibil.

Ayon kay Presidential Communication Operation Office (PCOO) Secretary Herminio “Sonny” Coloma Jr., ikinalugod umano ng Palasyo ang pananatili ng Pilipinas sa kanyang puwesto pagdating sa pagpapahalaga sa political at civil freedom.

Base sa report ng Freedom House, isang pandaigdigang non-government organization na nakabase sa Washington, DC sa Estados Unidos, napanatili ng bansa sa ikaapat na sunod na taon ang puwesto bilang isa sa 59 na bansang itinuturing na partly free sa buong mundo.

Umaabot sa 195 bansa sa buong mundo ang isinailalim sa survey kung saan natatangi umano ang Pilipinas sa mga bansa sa ASEAN na nakapagtala ng grado na ‘three’ (No. 3) sa kategorya ng karapatang politikal (political rights) at kalayaang sibil (civil liberty).

Unang naibalik sa mga Filipino ang demokrasya noong 1986 nang mapatalsik sa pamamagitan ng People Power si dating Pangulong Ferdinand Marcos kung saan pinalitan ito ng ina ni PNoy na si dating Pangulong Corazon Aquino.

 

NEWS ARTICLE FROM : http://www.abante.com.ph/issue

 

January 27, 2014 @ 10:32 AM